Isang point of view ko lang.
Sa pag boto niyo sa 2016 elections, bilang isang mamayan, botante ng Republika ng Pilipinas. Isaisip po natin ang mga kandidato na iboboto natin no! Wag kayo magpadala sa mga bayad na ibibigay, hindi ka nman siguro bayaran, o isang kasangkapan na kayang bilhin ng isang mayamang tao. Kung gusto niyo ng pagbabago, dun kayo bumoto sa may prinsipyo at dangal. May mga poltiko na ngang ipangrandakan na ang mga nagawa para makuha ang sympatiya ng mga tao, meron ding isa ipinagmamalaki ang mga naiambag sa bayan, pero lumabas ang video an ayun! SAPUL! (TIKOM ANG BIBIG). Meron namang isa na ang banat ay ang social media, na sa mga nakaraang mga interviews ay bukam bibig na siya ay hindi naniniwala na may Dios. May isa namang naka blue, kapit bisig kuno ang pinaglalaban, 10 taon na daw sa bansa, nasaktan kasi hindi daw isya isang Pilipino. May isa namang tatakbo, patayan ang hanap. (I am a supporter of Duterte, and actually it is better to kill those criminals than to remain in silence.). Kaya kayo, tayo na mga botante, isipin natin ang kapakanan ng bawat isa, wag magpadala sa TUWID NA DAAN, NOGNOG, SOCIAL MEDIA, KAPIT BISIG, AT BARIL. Mag-isip ng mabuti para sa ikauunlad ng bayan, at please naman. Cooperate din pag may time, kung nakaupo na ang binoto, babatikusin, ikaw na botante umupo na rin at naghintay ng pagbabago pero hindi mo naramdaman. Isipin niyo na kahit ipagsigawan nila ang pagbabago, kung mismo ang kintawan ay hindi magbabago, paano makakamtan ang pagbabago? Kaya FULL COOPERATION LANG ANG KAILANGAN!

No comments:
Post a Comment