Tuesday, 26 January 2016

Breakup!

Unag-una sa lahat, napaka sakit mahiwalayan, napaka sakit talaga. Yong iniwan ka lang bigla, diba masakit yun. Ako ay may isang kaibigan nagdadalamhati dahil sa sakit na kanyang nararamdamn. Hindi niya mawari ang kanyang sarili, hindi niya maikubli ang kanyang matinding nararamdamn sa kanyang irog. Sa tagal na nilang nagkalayo at hindi na naguusap, hindi na niya namalayan, siya ay nalilipasan na ng panahon. Nagkimkim ng galit at ang sarili ay nababalisa. Sa tindi ng kanyang inabot pilit niya pang pinagtatanggol ang kanyang irog na matagal na siyang kinalimutan at pinalitan.

Sa tindi ng kanyang pag-ibig tila ba, nalimutan na niya na siya ay isang dalgaita at may marami pang magagawa sa buhay. Sa tindi ng kanyang dinaranas, gusto niya itong makausap, tila ba ang panahon ay hindi sumasang-ayon sa kanila. Pilit niyang tinatanggi na mahal pa niya ang kanyang sinintang irog na matagal na siyang inilibing at kinalimutan. Sa araw ng kanilang pag uusap, hindi niya mawari ang kanyang pakiramdam, siya ay umaasa na tila naghahangad na sila ay magkausap.

Pero ang panahon na ang dumikta na hindi pa pepwede. Sa mga araw na parang bang siya ay nababalisa, natutulala at naluluha. Pinipilit niya paring maging malakas na walang kapares. Dumaan ang mga buwang tila bang naikubli na niya ang kanyang tunay na nararamdaman, at ang galit niya ay nanatili sa kanyang puso. 

Ngunit sa tindi ng kanyang pagmamahal, tila ba isang tao ang bumaba at nagsabi ng mga katagang "Gusto ko kayong mag-usap, hindi ko gusto sa mga araw na darating. Kung kayo ay magkita sa isang lugar, hindi ko alam ang mararamdaman, kung niisa sa inyu o kayong dalawa ay hindi magsasalita. At ihahambing ang isa't-isa sa mga bagay na hindi naman kaaya-aya." Tila ba siya ay nahimasmasan sa pagdating nga kanyang kaibigan. Pero siya ay may itinanim na pagdadalawang-isip sa mga magaganap. At kanyang kaibigan ay para bang nababaliw na sa kaiisip, kung mangyari ang mga iniisip niya. Ayaw ng kaibigan niyang mapahiya sa dalawa.

Kaya ang Dios ang nagbibigay sa akin ng pag-gabay, at sila ay aking idinadalangin sa May Kapal.



~CJAP




No comments:

Post a Comment